DEXnote : WELCOME TO SOMEDAY
Nung bata ako, pag tinatanong ako kung ano gusto ko maging, lagi ko sinasabi ay doktor. At pag tinanong kung bakit, sagot ko ay para makatulong sa may sakit. Yun kasi popular noon. Minsan sinasabi ko na piloto para maiba lang. Pero sa totoo lang, hindi ko nakita ang aking sarili na may stethoscope sa leeg o may eroplano sa kamay. May pagka-clumsy, pasmado, at malabo ang mata ko kaya noon pa lang alam ko na na hindi para sa akin ang pagiging doktor o piloto. Kasama na din dito ang takot ko sa responsibilidad na buhay ang at stake sa trabaho.
Nung elementary, sabi ko na Commerce ang kukunin ko sa kolehiyo at pagkatapos ay sa bangko ako papasok bilang teller, feeling ko kasi nun marami pera sa ganitong trabaho. Ito yung panahon na sikat pa ang kurso na yon at eto rin yung panahon na narealize ko na you get paid by working. Unang pagkakataon na nasilaw ako ng pera.
Sa high school naman, may nagsabi na dapat alam mo ang kakayahan at gusto mo at yun ang gamitin sa pagpili ng kurso. Mahirap daw kasi na hindi ka interesado sa field na tatahakin mo. At dahil magaling ako sa Math, sabi ko Engineering ang kukunin ko, madami daw kasi Math subjects sa course na to. Haha, ang babaw lang. Pero totoo, sa katunayan, ang nakalagay sa yearbook ko na ambition ay to be considered as one of the greatest name in the field of engineeringNoon pa lang mahilig na rin ako sa mabulaklak na salita na madalas ay walang sense.
Sa UPCAT, ang first choice ko na course is Computer Engineering. Eto yung breakdown:
1st Choice: UP Diliman
  • 1st choice of degree: BS, Computer Engineering
  • 2nd choice of degree: BS, Business Administration and Accountancy
2nd Choice: UPLB
  • 1st choice of degree: BS, Chemical Engineering
  • 2nd choice of degree: BS, Mathematics
Nung dumating yung resulta, ang sabi sa letter: We regret to inform you blah, blah, blah.. So, in short hindi ako natanggap. Kainis, sayang yung pagpasok ng sabado para sa review. Pero sabi ng pinsan ko na pumapasok sa elbi, abot pa naman daw sa cut-off yung WGA ko kaya pwede ipa-waitlist. Huwag daw quota course piliin ko kaya sabi ko sa BS Mathematics na lang, mag-shift na lang ako pag andun na.  

  • DEXpicable Me

    DEXpicable Me
    i always wanted to write. i want to voice out my opinion on issues that interest me. i wanna chit-chat about tv series i'm hooked and music in my playlist. i want to talk about math and politics; culture and literature. i want to share my story and be relevant. and with this labyrinth as a medium, i'm making myself vulnerable by letting you in to my life. it's up to you to depict it. you may see it differently. you may be lost. but in this maze, there is only one way out and i hope you find it.

    inDEX