Nung bata ako, pag tinatanong ako kung ano gusto ko maging, lagi ko sinasabi ay doktor. At pag tinanong kung bakit, sagot ko ay para makatulong sa may sakit. Yun kasi popular noon. Minsan sinasabi ko na piloto para maiba lang. Pero sa totoo lang, hindi ko nakita ang aking sarili na may stethoscope sa leeg o may eroplano sa kamay. May pagka-clumsy, pasmado, at malabo ang mata ko kaya noon pa lang alam ko na na hindi para sa akin ang pagiging doktor o piloto. Kasama na din dito ang takot ko sa responsibilidad na buhay ang at stake sa trabaho.
Nung elementary, sabi ko na Commerce ang kukunin ko sa kolehiyo at pagkatapos ay sa bangko ako papasok bilang teller, feeling ko kasi nun marami pera sa ganitong trabaho. Ito yung panahon na sikat pa ang kurso na yon at eto rin yung panahon na narealize ko na you get paid by working. Unang pagkakataon na nasilaw ako ng pera.
Sa high school naman, may nagsabi na dapat alam mo ang kakayahan at gusto mo at yun ang gamitin sa pagpili ng kurso. Mahirap daw kasi na hindi ka interesado sa field na tatahakin mo. At dahil magaling ako sa Math, sabi ko Engineering ang kukunin ko, madami daw kasi Math subjects sa course na to. Haha, ang babaw lang. Pero totoo, sa katunayan, ang nakalagay sa yearbook ko na ambition ay to be considered as one of the greatest name in the field of engineering. Noon pa lang mahilig na rin ako sa mabulaklak na salita na madalas ay walang sense.
Sa UPCAT, ang first choice ko na course is Computer Engineering. Eto yung breakdown:
1st Choice: UP Diliman
- 1st choice of degree: BS, Computer Engineering
- 2nd choice of degree: BS, Business Administration and Accountancy
2nd Choice: UPLB
- 1st choice of degree: BS, Chemical Engineering
- 2nd choice of degree: BS, Mathematics
Nung dumating yung resulta, ang sabi sa letter: We regret to inform you blah, blah, blah.. So, in short hindi ako natanggap. Kainis, sayang yung pagpasok ng sabado para sa review. Pero sabi ng pinsan ko na pumapasok sa elbi, abot pa naman daw sa cut-off yung WGA ko kaya pwede ipa-waitlist. Huwag daw quota course piliin ko kaya sabi ko sa BS Mathematics na lang, mag-shift na lang ako pag andun na.
Magpapasukan na nun and I’m still waiting. I had to choose if mag-enroll ako sa ibang college sa Laguna or wait for the second semester para makapasok sa elbi. What? Apparently, hindi ata naasikaso ni pinsan kaya ganun. I decided to wait. Malungkot yon para sa kakagraduate lang ng high school at excited na mag-college. Sabi ko na lang na I’ll take summer classes para maka-graduate kasabay ng batchmates ko.
Natapos ko naman yung course at naka-graduate ako kasabay ang batchmates ko. Yung iba nga, nahuli pa. Yabang, pero give it to me, I think I deserve that. Hehe. Hindi naman kasi ganun kadali. Hindi enough na matalino, dapat focused and masipag din. Mahirap at minsan nakakatakot, pero sige lang, tuloy lang. Nag-try pala ako mag-shift pero hindi ko na tinuloy, bukod sa masasayang na units, nagugustuhan ko na rin naman yung course ko. Narealize ko na eto talaga yung tamang kurso para sa ‘kin.
After college, nagturo ako sa university. Masaya at makabuluhan naman ang araw na pumapasok ako sa klase. Iba yung sense of fulfillment pag naaappreciate at naaapply ng mga estudyante yung mga shinashare mo sa kanila. Marami challenges pero alam ko na ang pagtuturo ang gusto kong gawin hanggang pagtanda. Pero kailangan ko umalis para tuparin naman ang isang bahagi ng aking pangarap. Ngayon, ako ay isang programmer. Hindi ko natutunan sa kolehiyo yung ginagawa ko ngayon sa trabaho pero nagamit ko yung training at experience sa pag-aaral para matutunan at magawa yon.
Ngayon, alam ko na kung ano ang gusto ko. Ipinagpaliban ko lang muna para sa iba pang gusto. Pero yung gusto is variable, baka bukas kasi iba na naman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment